dzme1530.ph

MAS DELIKADO BA ANG PRUTAS KAPAG MAY DIABETES, ALAMIN NATIN

Loading

Nilinaw ng mga eksperto sa kalusugan na hindi agad dapat katakutan ang pagkain ng prutas para sa mga may diabetes.

 

Ang kailangan lang ay kinakain ito sa tamang dami at paraan.

 

Ang prutas ay may natural na asukal na tinatawag na fructose.

 

Ngunit hindi lamang ito basta asukal—kasama rin nito ang mahahalagang bitamina, fiber, at antioxidants na nakatutulong sa pangkalahatang kalusugan.

 

Dahil sa fiber, mas mabagal ang pagtaas ng blood sugar kumpara sa processed sweets.

 

Gayunpaman, nagiging problema kapag ginawang fruit juice ang prutas.

 

Sa prosesong ito, nawawala ang fiber at nagiging puro likido ang iniinom, dahilan para mas mabilis at mas mataas ang pagtaas ng blood sugar levels.

 

Binibigyang-diin din ang kahalagahan ng portion control. Hindi ipinagbabawal ang prutas, ngunit kailangang bantayan ang dami ng kinakain upang maiwasan ang biglaang pagtaas ng asukal sa dugo.

 

Samantala, mas inirerekomenda rin ang pagkain ng gulay dahil mas mababa ito sa carbohydrates at mas stable ang epekto sa blood sugar.

 

Ayon sa mga eksperto, hindi ang prutas mismo ang delikado kundi ang maling dami at maling paraan ng pagkain nito.

 

Pinapaalalahanan ang publiko na maaari pa ring kumain ng prutas kahit may diabetes—basta’t sa tamang portion at balanseng diyeta.

About The Author