dzme1530.ph

MARY JANE VELOSO, UMAPELA NA TULUYAN NG MAKALAYA

Loading

Sa pamamagitan ng open letter, umapela sa mga otoridad si Mary Jane Veloso, ang Filipina na na-convict sa Indonesia dahil sa drug trafficking, na hayaan na siyang makalaya.

 

Ito ay upang maalagaan niya ang kanyang tumatanda ng mga magulang at mga anak na nawalay sa kanya ng mahigit labing anim na taon. 

 

Si Veloso ay mahigit isang taon na mula nang makauwi sa Pilipinas subalit patuloy na nakapiit sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

 

Sa handwritten open letter, sinabi ni Mary Jane na nahihirapan siyang makita ang kanyang may-edad ng mga magulang na nagsasakripisyo ng 8 hanggang 10 oras na biyahe mula Nueva Ecija para bisitahin siya sa kulungan.

 

Kailangan din aniya ng kanyang mga magulang na maghanap ng pera para sa pamasahe at pagkain na maipapasalubong sa kanya.

About The Author