Pauuwiin na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa Indonesia dahil sa drug trafficking.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Macos Jr., matapos ang mahigit isang dekada nang diplomasya at konsultasyon sa Indonesian government at pag-delay sa pagbitay kay Veloso, ngayon ay nabuo na ang kasunduan upang iuwi ito sa bansa.
Iginiit pa ni Marcos na ang istorya ni Veloso ay kumakatawan din sa buhay ng marami, na isang inang nakagapos sa kahirapan at napilitang gumawa ng desperadong desisyon na bumago sa kanyang buhay.
Sa kabila nito ay nananatili pa rin umano siyang isang biktima.
Nagpasalamat ang Pangulo kay Indonesian President Prabowo Subianto at sa Indonesian gov’t, at ito umano ang nagpapakita sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa hustisya at pagmamalasakit. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News