dzme1530.ph

Maritime Vessels at Aircraft sa EEZ, pinaplano ng AFP

Pinaplano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magkaroon ng mas maraming maritime vessels at aircraft sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay AFP chief of staff General Romeo Brawner, hindi lamang pagbabantay ang gagawin kundi palalakasin ng bansa ang presensya sa lugar.

Dagdag pa ni Brawner, kahit dagdagan ng Pilipinas ang barko at mga sasakyang pandagat ay hindi nito matutumbasan ang dami ng barko sa Tsina.

Tututukan ng AFP ang external security ng bansa kung saan palalawakin ang pagbabantay sa EEZ ng Pilipinas. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author