dzme1530.ph

Maritime domain awareness flight, isinagawa ng PCG sa Bajo de Masinloc

Loading

Naglunsad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng maritime domain awareness (MDA) flight sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Sa kabila ng presensya ng Chinese ships, itinuloy ng PCG vessels na BRP Teresa Magbanua at BRP Cape San Agustin, kasama ang lima pang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang Kadiwa ng Bayan ng Mangingisda (KBBM) program.

Layunin ng naturang programa na hatiran ng tulong ang mga mangingisdang Pilipino sa lugar.

Sa isinagawang flight, isang helicopter ng People’s Liberation Army Navy ng China ang namataang bumubuntot sa PCG Islander aircraft mula sa malayo.

Hindi naman tinukoy ng PCG ang bilang ng Chinese vessels na naispatan sa bisinidad ng Bajo de Masinloc.

About The Author