Pagsusumikapan ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina na makalikha ng mas maraming propesyunal na atleta at unang olympic gold medalist.
Ito ang ipinangako ni Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro sa mga Marikenyo sa pamamagitan ng pagtatatag ng Comprehensive Sports Program sa lungsod.
Binigyan diin ni Teodoro na bukod sa matibay na sport culture isa ang Marikina sa mga lungsod na may talented o mahuhusay na manlalaro na nagpamalas na ng galing sa ibat- ibang prestihisyosong torneyo gaya ng Palarong Pambansa, southeast Asian Games at iba pa.
Nabatid na si Para-athlete Allain Keanu Ganapin, na residente ng Marikina, ang kauna-unahang Paralympian ng Pilipinas sa larong Taekwondo na dalawang sunod na beses nang napagkalaooban ng paralympic appearance sa Paris, France.
Dahil dito, target ni Teodoro na maglatag ng enhanced sports programs at magsagawa ng sports clinics mula elementary hanggang kolehiyo na magbibigay ng maraming pagkakataon sa mga manlalaro na mag-excel sa kani-kanilang napiling larangan.
Sa kasalukuyan nagpapatuloy umano sila sa pangangalap ng pondo para sa sports infrastructure, training, nutrition, at iba pang resources.