Pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman si Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro at iba pang mga opisyal ng lungsod.
Bunsod ito ng umano’y maling alokasyon sa P130 million na pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Saklaw din ng suspensyon ang Accountant, Treasurer, at Assistant Budget Officer ng Marikina City, maging ang Secretary at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Batay sa dokumento, nakakita ang Ombudsman ng “sufficient grounds” para maglabas ng preventive suspension laban kay Teodoro at sa iba pang City officials, dahil sa mga iprinisintang matibay na ebidensya.
Inakusahan ng complainant na si Sofronio Dulay ang grupo ni Teodoro na inilaan ang pondo ng PhilHealth sa IT equipment, infrastructure repair at donasyon, at ipinambili ng general supplies.