![]()
Sasagutin ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang lahat ng gastusin para sa halos 8,000 Grade 6 at senior high school graduates sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Ayon kay Marikina Mayor Maan Teodoro, ang graduation ay isang makabuluhan at napakahalagang okasyon na hindi dapat magdulot ng stress sa mga estudyante at kanilang pamilya.
Sinabi ni Teodoro na magbibigay ang local government ng libreng toga, graduation picture, stage, lights and sound system, at meryenda para sa mga magtatapos at kanilang pamilya.
Nangako rin ang alkalde na magbibigay ng laptop sa top graduating student at libreng tablets para sa 2nd at 3rd top students.
