dzme1530.ph

Maricel Soriano, bukas sa bagong pag-ibig

Nananatiling bukas ang puso ni Diamond Star Maricel Soriano sakaling may dumating na bagong pag-ibig.

Ito ang kanyang ibinahagi sa isang panayam kasama si Ogie Diaz.

Ayon kay Maricel, hindi man daw naging matagumpay ang kanyang past relationships ay hindi ito nangangahulugang titigil na siyang umibig.

Pasaring pa ni Maricel, yun ay kung matatagalan daw ng kanyang future manliligaw ang kanyang ugali, kung hindi naman ay umuwi na lang daw ito.

Kamakailan lang ay nag-viral ang vlog ni Maricel kasama ang ex-husband na si Edu Manzano kung saan proud nilang inamin na nanatili silang magkaibigan sa kabila ng kanilang paghihiwalay. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author