Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang Gabinete na kumalma, kasunod ng pagbugso ng emosyon ni Executive Secretary Lucas Bersamin laban sa Kamara.
Bunsod ito ng umano’y pagpasa ng sisi ng House of Representatives sa korapsyon at mga kabiguan sa budget process sa Executive Branch.
Sinabi ni Pangulong Marcos na umaasa siyang lumamig na ang mga ulo ng mga kalihim. Umani ito ng tawanan mula sa Cabinet Secretaries at iba pang opisyal na naghahatid sa Pangulo sa Villamor Air Base sa Pasay City, bago tumulak patungong Cambodia para sa tatlong araw na state visit.
Nilinaw naman ng Punong Ehekutibo na naiintindihan niya kung bakit medyo pumalag ang Gabinete.
Bago umalis ay itinalaga ni Pangulong Marcos sina Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III bilang caretakers.