Nasa Cambodia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang tatlong araw na state visit upang pagtibayin pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Dumating ang Pangulo sa Phnom Penh International Airport, lulan ng presidential plane na PR 001, 3:08 p.m. kahapon (oras sa Cambodia), kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Bilang pasasalamat sa Filipino overseas, sinimulan ni Pangulong Marcos ang kanyang state visit sa pamamagitan ng pagharap sa Filipino community sa Cambodia.
Ngayong araw naman itinakda ang bilateral meeting ng Pangulo kasama si Prime Minister Hun Manet para talakayin ang mahahalagang usapin.
Kabilang dito ang negosyo, kooperasyon laban sa transnational crimes, pagpapalakas sa turismo, at iba pang kolaborasyon gaya ng agrikultura, higher education, at air services.