Nakapaglabas na ang administrasyong Marcos ng halos ₱10-B para sa Philippine Rural Development Plan sa Region 4-A.
Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa San Jose, Batangas, inihayag ng Pangulo na inilabas ang pondo mula noong 2023 hanggang ngayong 2024.
Kabilang umano sa mga nagpapatuloy na proyekto ay ang Taal Lake Circumferential Road, at Lobo-Malabrigo-San Juan-Laiya Road sa Batangas.
Kasama rin ang Quipot Irrigation Project at Macalelon Irrigation Projects sa Quezon Province.
Tiniyak ni Marcos na patuloy na kumikilos ang pamahalaan upang pasiglahin ang ekonomiya ng CALABARZON.