dzme1530.ph

Marcos admin, interesadong maglunsad ng waste-to-energy projects sa Pilipinas

Sa pakikipagpulong sa executives ng energy companies sa Brunei, inihayag ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na problema na ngayon lalo nang malalaking siyudad ang hindi na praktikal na paggastos sa paghanap ng landfills na pagtatambakan ng basura.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na kina-kailangan ang angkop na imprastraktura upang magamit ang mga basura sa paglikha ng enerhiya.

Gayunman, sa ngayon umano ay napakaliit pa lamang ng presensya ng waste-to-energy sa bansa, at iilang lokal na pamahalaan pa lamang ang gumagamit nito.

Tinukoy ding mga balakid ang legal at regulatory issues.

Kaugnay dito, hinikayat ng pangulo ang Brunei business leaders na maglagak ng puhunan sa power sector ng bansa partikular sa renewable energy.

About The Author