dzme1530.ph

Marcos admin, humiling ng ₱10.29-B confidential at intel funds para sa 2025

Humiling ang administrasyong Marcos ng kabuuang ₱10.29 billion na confidential at intelligence funds, sa ilalim ng proposed ₱6.352 Trillion 2025 national budget.

Ayon sa Dep’t of Budget and Management, ito ay mas mababa ng 16% sa ₱12.38-billion na alokasyon ngayong 2024.

Sa 2025 National Expenditure Program, ₱4.37 billion ang inilaan para sa confidential expenses, at ₱5.92 billion sa intel funds.

Samantala, humiling naman ang Office of the President ng ₱2.25 billion na confidential funds at ₱2.31 billion na intel funds, na katulad lamang ng natanggap nito ngayong 2024 at noong 2023.

Habang kagaya ngayong taon ay wala muling alokasyong confidential funds para sa Office of the Vice President.

About The Author