dzme1530.ph

Marawi Compensation Board, nakapaglabas na ng P148.84-M compensation sa mga biktima ng Marawi siege

Nakapaglabas na ang Marawi Compensation Board ng kabuuang mahigit 148.84 million pesos na compensation para sa mga biktima ng Marawi siege noong 2017.

Sa statement na ibinahagi ng Presidential Communications Office, sinabing ito ay kasunod ng pag-proseso sa mga aplikasyon para sa structural property claims, death claims, personal property claims, at iba pang property claims at multiple claim.

Ito ay alinsunod din sa Republic Act 11696 o Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022.

Kabilang sa mga naipamahagi ay ang 86 na death claims, at 32 structural at personal property claims.

About The Author