dzme1530.ph

Mapapatunayang guilty sa pambababoy sa dagat ng Pilipinas, maaaring magmulta ng hanggang P10-M

Isinusulong sa kamara ang House Bill 7515 na magpaparusa ng hanggang P10-M sa mga may-ari ng barko na mapapatunayang guilty sa pagtatapon ng nakalalasong kemikal gaya ng langis o basura sa karagatang nasa loob ng Pilipinas.

Inihain ni Negros Occidental Representative Kiko Benitez ang panukalang ito na naglalayon na paigtingin ang regulasyon na nakapaloob sa 1973 International Convention for the Prevention of Pollution from Ships and its 1978 Protocol o Marpol 73/78.

Sa ilalim ng panukalang batas bibigyang kapangyarihan nito ang Philippine Coast Guard na manghuli ng mga taong sumisira at pumapatay sa lamang-dagat sa mga karagatang sakop ng bansa

Ito’y kasunod ng paglubog ng motor tanker na MT Princess Empress sa Bayan ng Naujan, Oriental Mindoro na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil.

Sa ngayon, ayon sa mga eksperto, posibleng umabot ang oil spill sa Cuyo Island, Palawan at kalapit nitong mga lugar.

About The Author