Bumilis ang paglago ng manufacturing sa bansa noong Hulyo makaraang bumagal noong Hunyo, batay sa preliminary results ng monthly integrated survey of selected industries.
Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumobo ang volume of production index ng 5.7% noong Hulyo, mas mabilis kumpara sa 3.4% noong Hunyo, at 3.6% noong July 2022.
Iniugnay ng psa ang mas mataas na annual growth sa pag-angat ng tatlong industry divisions.
Kinabibilangan ito ng manufacturing sa mga inumin ng hanggang 12.6%; coke at refined petroleum products na hanggang 36.2%; at food products na hanggang 1.2%. –sa panulat Lea Soriano