Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na manual na botohan lamang ang gagawin para sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa buong bansa maliban sa ilang lugar sa Cavite at Quezon City.
Kabilang dito ang dalawang barangay sa Dasmariñas at buong District 6 ng Quezon City ang magkakasa ng automated election sa Oktubre a-30.
Paliwanag ni COMELEC Chairman George Garcia, walang pondo na ibinigay sa ahensya para sa pag-a-automate ng BSKE.
Gayunpaman, tiniyak ng opisyal na sa 2025 Elections ay fully automated na ang botohan, dahil nakabase ito sa batas.
Inaasahan din ng COMELEC na makabibili ito ng libung-libo bagong vote counting machines para sa midterm elections sa 2025. –sa panulat ni Airiam Sancho