dzme1530.ph

Manila North Cemetery, nagpaalala sa publiko kaugnay sa nalalapit na Undas 2023

Naglabas ng ilang paalala ang pamunuan ng Manila North Cemetery para sa nalalapit na Undas 2023.

Sa abiso ng Manila North Cemetery, ang paglilinis, pagpipintura at pagsasa-ayos sa mga puntod o nitso ay hanggang October 25, 2023, Miyerkules na lamang.

Pansamantala ring ititigil ang paglibing mula October 28 at magbabalik ang operasyon nito hanggang November 3, 2023.

Sa mga araw naman ng paggunita ng Undas o October 30 hanggang November 2, 2023, magbubukas ang main gate ng Manila North Cemetery mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ipagbabawal din ang mga inuming nakalalasing, flammable materials, mga baril, ibang matutulis na bagay, gayundin ang paggamit ng videoke at mga sound system na nagdudulot ng ingay.

Ang lahat uri ng sugal ay mahigpit ding ipinagbabawal maging ang pagdadala ng baraha at paglalaro ng bingo. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author