Inanunsyo ng Manila Cathedral na nagbukas sila ng designated space para sa mga debotong nais magluksa at mag-alay ng panalangin para kay Pope Francis.
Ayon kay Manila Cathedral Vice Rector Father Vicente Gabriel Bautista, inilaan ang Christ the King Chapel para sa mga debotong hinipo ni Pope Francis ang mga puso at nakinig sa kanyang mga aral.
Bukas ang Chapel para sa mga mag-aalay ng kandila at dasal para sa Santo Padre, simula 7:00am hanggang 6:00pm ng gabi.
Hinimok din ni Bautista ang mga deboto na pasalamatan ang Panginoon para sa kabutihan ng namapayapang Santo Papa at sa pamumuno nito sa pamamagitan ng pagbisita sa iba’t ibang simbahan.