Nagpaabot ng pasasalamat sa Comelec si Manila 6th Dist. Rep. Benny Abante, Jr., sa pagkatig sa batas.
Ito’y makaraang ilabas ng Comelec en banc ang desisyon na ideklara itong ‘Duly re-elected member ng House of Representatives’ ng Manila 6th District.
Ayon kay Abante ang ruling ng Comelec en banc ay reaffirmation lamang ng kanyang pinaniniwalaan, na sa serbisyo publiko, ang tama o katotohanan ay mahalaga, at ang Rule of Law ay dapat mangibabaw laban sa misrepresentation.
Pinasalamatan din nito ang kanyang mga constituents sa Manila 6th District sa patuloy na suporta at pagrasal para manaig ang katotohanan at rule of law.