dzme1530.ph

Manifesto at Statement of Solidarity para kay Romualdez, inilabas ng mga kongresista

Isang ‘Manifesto’ at ‘Statement of Solidarity’ para kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang inilabas ng mga kongresista.

Ang Statement of Solidarity ay galing sa tatlumpung mambabatas ng Metro Manila na naninindigan sa kanilang buong suporta kay Romualdez na tinawag nilang ‘Speaker of All’ at ‘Speaker of the Nation’.

Ilan sa mga prominenteng pangalan na lumagda ay sina Rep. Benny Abante, Jr. ng Manila 6th District; Deputy Speakers Camille Villar ng Las Pinas City, Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II ng Lone District of Mandaluyong; Rep Stella Luz Quimbo ng Marikina City; Rep. Roman Romulo, Lone District ng Pasig; Rep. Toby Tiangco ng Navotas; Rep. Luis Campos ng Makati City at Rep. Oscar Malapitan ng Caloocan City.

Ang ‘Manifesto of Support’ naman ang inilabas ng mga kongresista mula sa Surigao del Norte at mga lokal na opisyal ng lalawigan.

Tinuligsa ng manifesto ang anila “walang basehang paratang” ng ilang senador laban kay Romualdez na nakakaladkad pati ang buong institusyon.

Pinangunahan ni Surigao del Norte 1st District Reprehensive Bingo Matugas; dating Governor Francisco Matugas at 25 Local Government Executives ang Manifesto na iginigiit ang magandang adhikain ni Romualdez sa pagsusog sa Economic Provisions ng Saligang Batas.

About The Author