Balik-pasada na ang mga Grupong Manibela at PISTON matapos nilang i-anunsyo na wala nang magiging phaseout ng traditional jeepneys.
Ito ay kasunod ng pagpupulong sa Malacañang nina Presidential Communications Office sec. Cheloy Garafil, Office of the Executive Secretary Undersecretary Roy Cervantes, PISTON president Mody Floranda, at Manibela transport group Chairman Mar Valbuena.
Humingi ng paumanhin ang dalawang transport groups kasabay ng pagsasabing wawakasan na nila ang transport strike.
Sinabi pa ng Manibela at PISTON na hindi nila hinahadlangan ang modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan, at kaisa sila sa pagbibigay ng maayos, komportable, at ligtas na transportasyon sa mga pasahero.
Kaugnay dito, kanilang iginiit na panghahawakan nila ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng pagiging bukas ng administrasyon sa pag-rebisa sa PUV Modernization program.