dzme1530.ph

Mangingisdang Pinoy, tuloy ang paglalayag sa kabila ng bantang pag-aresto ng China

Nanindigan ang New Masinloc Fishermen Association na patuloy pa rin silang mangingisda sa West Philippine Sea sa kabila ng regulasyon ng China na dadakpin at ikukulong ang sinumang mga dayuhan na magte-trespass o papasok nang walang pahintulot sa South China Sea.

Kinondena ni Leonardo Cuaresma, pangulo ng grupo na naka-base sa Zambales, ang naturang banta ng China, kasabay ng pagsasabing batid ng mga mangingisdang Pinoy na sa teritoryo lamang ng Pilipinas sila nanghuhuli ng mga isda.

Binigyang diin pa ni Cuaresma na wala silang nilalabag sa Fishery Law, at wala rin silang binu-bully o hina-harass na mga Tsino para gawin ng China ang nasabing banta.

Sa ilalim ng kontrobersyal na regulasyon na magiging epektibo sa Hunyo, inatasan ng Chinese Government ang China Coast Guard na arestuhin at ikulong ang mga trespasser ng hanggang 60 na araw, batay sa report ng hong kong-based na South China morning post.

About The Author