dzme1530.ph

Mangingisdang nasugatan sa Bajo de Masinloc, agad na inasistehan ng Coast Guard

Loading

Muling nagpakita ng malasakit ang Philippine Coast Guard matapos agarang tumulong sa isang mangingisdang nasugatan malapit sa Bajo de Masinloc.

Kinilala ang mangingisda na isang 32-anyos na residente ng Subic, Zambales. Ayon sa ulat, nawalan ito ng balanse dahil sa malalakas na alon, dahilan para magtamo ng sugat sa kanyang binti.

Agad itong nilapitan ng BRP Gabriela Silang, kung saan binigyan ito ng lunas ng Coast Guard Medical and Nursing Service para sa pamamaga.

Matapos ang paggamot, ligtas naman itong nakabalik sa kanyang bangka at ipinagpatuloy ang pangingisda.

Ayon sa PCG, ang mabilis na pagresponde ay patunay ng kanilang dedikasyon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na protektahan ang mga mangingisda at palakasin ang presensya ng Pilipinas sa karagatan.

About The Author