Kontra si House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Congressman Joey Salceda na tuluyang ipagbawal o i-ban ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Sinabi ni Salceda na papatayin ng mungkaking pag-ban sa POGO ang mga ‘legally compliant lincensees’ dahil lamang sa mga non-compliant POGO competitors.
“It will also completely wipe out the incentive for legally compliant licensees to tip off illegal operations of non-compliant competitors,” saad ni Salceda.
Inihalimbawa ng mambabatas ang nangyari sa tobacco sector na nakaparami ring illegal o illicit trade o smuggling ang nangyayari, pero mismong ang mga legal at tax-compliant companies ang nagsusuplong sa mga illegal sa kinauukulan. Ganito rin aniya dapat mangyari sa POGO.
Sa paniwala ni Salceda, kahit i-ban ng tuluyan ang POGO ay hindi pa rin mawawala ang illegal foreign operations nito hanggang patuloy na mahina ang intelligence, immigration, infiltration capabilities, at ang law enforcement ay hindi makapagsalita ng Chinese.
Pagdidiin nito, wala sa PAGCOR ang problema o sa tax enforcement.
Giiit ni Salceda na panatilihin ang PAGCOR rules at POGO Tax Law at gamitin ang kinikita dito sa pagpapalakas ng law enforement capabilities para mahuli ang mga lumalabag sa batas.