Ia-adjust ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operating hours ng mga mall sa Metro Manila mula 11 a.m. hanggang 11 p.m. simula Nobyembre 17.
Ayon sa MMDA, layon nitong maibsan ang inaasahang pagbigat ng trapiko sa Metro Manila sa pagpasok ng Christmas season.
Sa isang press conference matapos ang pagpupulong kasama ang mga mall operator, sinabi ni MMDA Chairperson Romando Artes na magiging epektibo ang adjusted mall hours tuwing Lunes hanggang Biyernes, maliban sa weekends at holidays, hanggang Disyembre 25.
Bukod dito, papayagan lamang ang mall deliveries mula alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, habang limitado rin ang mall-wide sales tuwing weekends, ayon sa MMDA.