dzme1530.ph

Malaysian King, inilarawan ang Pilipinas bilang mahalagang trading partner

Inilarawan ni Malaysian King Al-Sultan Abdullah ang Pilipinas bilang isang mahalagang trading partner sa rehiyon.

Sa State Banquet sa Kuala Lumpur para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Philippine delegation, inihayag ng Malaysian King na ang Pilipinas ang naging panlimang pinaka-malaking trading partner ng kanilang bansa noong 2022.

Samantala, para naman sa Pilipinas ay ang Malaysia ang pang-apat nilang largest trading partner.

Mas umigting pa umano ang partnership ng dalawang bansa dahil sa kapwa pagiging aktibo sa ASEAN.

Kabilang sa mga produktong ikinakalakal ng Malaysia at Pilipinas sa isa’t isa ay ang integrated circuits, refined petroleum, coconut oil, at marami pang iba.

Samantala, sa pagbisita ni Marcos sa Malaysia ay umaasa ang Malaysian King na mas lalakas pa ang kolaborasyon ng dalawang bansa sa agrikultura, digital economy, at Halal food industry. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author