dzme1530.ph

Malawakang pagsasanay ng Japan at PH Coast Guard, isinagawa sa Bulacan para sa paghahanda sa sakuna

Loading

Nagsagawa ng joint maritime training ang Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Coast Guard (JCG) sa Bulacan mula Sept. 1 hanggang 10 upang palakasin ang kakayahan sa pagtugon sa mga sakuna tulad ng bagyo, oil spill, at sunog sa dagat.

Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay ang towing operations, firefighting, typhoon response, at oil spill control.

Ayon kay Commodore Joseph Coyme ng PCG, bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang ugnayan sa mga kaalyadong bansa para sa mas ligtas at maayos na karagatan.

Dumalo sa closing ceremony ang mga kinatawan mula sa JCG, Japan International Cooperation Agency (JICA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at mga opisyal ng PCG para sa awarding ng certificates sa mga nakilahok.

Binigyang-diin naman ni Captain Yuki Matsuoka ng JCG na ang kooperasyon ay patunay sa matibay na pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas tungo sa mas ligtas na karagatan.

 

About The Author