dzme1530.ph

Malamig na panahon, makakatulong nga ba sa mas malinaw na pag-iisip?

Alam niyo ba na nakatutulong ang malamig na panahon upang mas makapag-isip ng malinaw ang isang indibidwal?

Sa pag-aaral ng Stanford University, natuklasan na mas nakagagawa ng cognitive task gaya ng pagde-desisyon at pagpapanatiling kalmado ang mga taong nasa malamig na lugar.

Napag-alaman din na hindi impulsive o padalos-dalos at may kontrol sa mga ginagawa ang mga ito.

Maliban dito, sa kanilang pagsasaliksik, mas nakagagawa ng complex task ang mga tao sa tuwing malamig ang panahon kumpara tuwing summer o tag-init. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author