dzme1530.ph

Malaking butas na puno ng tubig, nakita sa gitna ng kalsada sa Pasay City

Isang malaking butas sa gitna ng kalsada sa 5th Bound ng Sales Road sa Pasay City, ang nadiskubre ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kahapon.

Halos nasa tatlong metro na ang inilaki ng butas na puno ng tubig na galing sa linya ng Maynila na may lalim na sampung talampakan.

Nagsagawa naman ang isang vacuum truck ng skyway nang pagbabawas ng tubig sa nasabing butas.

Ayon sa mga inhinyero ng Department of Public Works and Highways, hindi ito matatawag na sink hole dahil mula ito sa isang construction project at hindi natural occurence.

Kasalukuyan namang isinara ang kalsada malapit sa tapat Gate 2 at Gate 4 ng Villamor Air Base upang masiguro ang kaligtasan ng mga motoristang dumaraan sa lugar.

About The Author