dzme1530.ph

MALAKIHANG ROLLBACK SA PRESYO NG OIL PRODUCTS, INANUNSYO MISMO NI PANGULONG MARCOS

Loading

Inanunsyo mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
 
Ayon sa Pangulo, epektibo bukas, April 14, mahigit bente pesos ang ibababa sa presyo ng kada litro ng diesel habang 4.43 pesos sa bawat litro ng gasolina at 8.50 pesos sa kada litro ng kerosene.
 
Kumbinsido si PBBM na malaking tulong ito sa mga driver, mga commuter at sa bawat pamilyang Pilipino na araw-araw naaapektuhan ng mataas na presyo ng petrolyo.
 
Subalit aminado ang Pangulo na hindi pa ito sapat kaya’t tuloy-tuloy aniya ang aksyon ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng tensyon sa Middle East.
 
Asahan aniya ang mga susunod pa niyang anunsyo kaugnay sa mga hakbanging ipinatutupad ng gobyerno.

About The Author