Itinuring ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng Executive at Legislative branch ang malakas na economic performance ng bansa.
Pahayag ito ni Romualdez matapos i-welcome ang latest forecast ng World Bank (WB) na mas mabilis ang nakikita nilang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon kumpara sa inaasahan.
Ang pag-upgrade ng WB ay nagpatibay lang na on-track towards recovery at sa positive trajectory ang ekonomiya ng bansa.
Ayon pa kay Romualdez ang “comprehensive at inclusive” economic agenda ng Marcos government at collaborative efforts ng ehekutibo at lehislatura ay nagbubunga na ng pag-unlad.
Tiniyak din nito na mananatiling focus ang Kamara sa pagpapatibay ng kinakailangang batas na makakatulong para magpatuloy ang momentum ng economic growth. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News