“Malakas na depensa at matalinong estratehiya sa gitna ng geopolitical tensions”.
Ito ang mga bagay na inaasahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa susunod na AFP Chief of Staff na si Army Lt. Gen. Romeo brawner jr., at Presidential Adviser on West Philippine Sea Andres Centino.
Sa social media post, inihayag ng pangulo na ito ang mga dahilan kaya’t itinalaga niya ang dalawang heneral sa mga nasabing posisyon.
Naniniwala umano si Marcos sa kanilang karanasan at tapat na serbisyo upang protektahan ang mamamayang Pilipino, at ipaglaban ang soberanya ng bansa.
Matatandaang mula sa pagiging commanding general ng Philippine Army, inanunsyo ng Malakanyang na si Brawner na ang magiging pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Papalitan niya si outgoing AFP Chief Centino na magsisilbi namang Presidential Adviser on West Philippine Sea. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News