dzme1530.ph

MALAKANYANG, WALA PANG DESISYON KUNG SUSUSPINDIHIN O BABAWASAN ANG EXCISE TAX SA PETROLYO

Loading

Hindi pa malinaw sa Malakanyang kung sususpindihin o babawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.

 

Ito ay sa kabila ng pag-certify ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa panukala para sa pagbibigay sa kanya ng emergency power upang aksyunan ang excise tax.

 

Sinabi ng Pangulo na dedepende pa sa trends ng oil prices ang kanyang magiging desisyon, lalo’t hindi pa alam kung hanggang kailan tatagal ang kaguluhan.

 

Pero tiniyak ng punong ehekutibo na patuloy ang kanilang adjustment sa sitwasyon sa bawat araw.

 

At sa sandali anyang kailangan sa sitwasyon, agad na niyang ipatutupad ang kanyang awtoridad at agad aaksyon.

About The Author