dzme1530.ph

Malakanyang, naniniwalang mas makabubuti ang pagkalas ni Sen. Imee Marcos sa Alyansa

Loading

Naniniwala ang Malakanyang na mas mainam na rin ang pagkalas ni Senator Imee Marcos mula sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, kung sa pakiramdam nito ay hindi na pareho ang kanilang adhikain.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro na hindi talaga magkakaroon ng magandang relasyon kung magkataliwas ang paniniwala ni Sen. Marcos at ng administration coalition.

Una nang inihayag ng mambabatas sa social media may mga hakbang na ginawa ang administrasyon na salungat sa kanyang paninindigan at prinsipyo kaya nagpasya siyang umalis na sa Alyansa.

Ang tinutukoy ni Senador Marcos ay ang naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng madugong kampanya sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

About The Author