dzme1530.ph

Malakanyang, nakikiisa sa selebrasyon ng National Family Week

Nakikiisa ang Malakanyang sa selebrasyon ng National Family Week ngayong huling linggo ng Setyembre.

Sa kanilang social media post, hinihikayat ng Presidential Communications Office ang iba pang ahensya, independent commissions, at pribadong sektor na makibahagi sa mga programa kaugnay ng National Family Week.

Matatandaang sinuspinde ng Palasyo ang trabaho sa mga tanggapan ng executive branch ng gobyerno simula alas-3:00 ng hapon ngayong araw, Setyembre a-25.

Ito ay upang bigyang-daan ang government workers at kanilang mga pamilya na makauwi ng maaga at maipagdiwang ang “Kainang Pamilya Mahalaga Day” sa kani-kanilang mga tahanan. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author