dzme1530.ph

Malakanyang, nakikiisa sa paggunita ng National Family Planning Month

Nakikiisa ang Malakanyang sa paggunita ng National Family Planning month ngayong buwan ng Agosto.

Tiniyak ng Presidential Communications Office na nagpapatuloy ang mga hakbang ng gobyerno upang mabigyan ang lahat ng access sa serbisyo at edukasyon para sa maayos na pagpaplano ng pamilya.

Isinusulong din ang pagbibigay ng kakayanan sa mga magulang sa paggawa ng mabubuting desisyon.

Ito umano ang magbibigay-daan para sa pagsasakatuparan sa kanilang mga pangarap para sa sarili at sa kanilang pamilya. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author