Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-adopt sa National Security Policy (NSP) 2023-2028.
Sa ilalim ng Executive Order no. 37, inatasan ang lahat ng national government agencies at instrumentalities kabilang ang government-owned or -controlled corporations at local government units, na i-ayon sa NSP ang mga bubuuin at ipatutupad na istratehiya at programa kaugnay ng seguridad.
Inobliga naman ang National Security Council secretariat na magbigay ng technical assistance at suporta sa mga ahensya para sa pagbuo ng National Security policies at strategies.
Magsasagawa naman ang National Security adviser ng periodic assessment para sa isusumiteng report sa pangulo at sa NSC kaugnay ng implementasyon ng NSP. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News