dzme1530.ph

Malakanyang, inilabas ang Memorandum Circular No. 22 na nag-oobliga sa lahat ng national government agencies na magtipid sa tubig

Naglabas ang Palasyo ng memorandum circular na nagtatakda ng mandato sa lahat ng ahensya ng gobyerno na magtipid sa paggamit ng tubig.

Ito ay sa harap ng pinangangambahang kakapusan sa suplay ng tubig dahil sa nagbabadyang El Niño o matinding tagtuyot.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 22, inaatasan ang national governemnt agencies na magpatupad ng water conservation measures para makatipid ng tubig na katumbas ng 10% ng kanilang konsumo sa 1st quarter ng taon.

Saklaw din ng memorandum ang Government Owned or Controlled Corp. at state universities and colleges.

Inaatasan din ang binuong Water Resources Management Office at network agencies na pangunahan ang implementasyon ng Nationwide Water Conservation Program sa pakikipagtulungan sa iba pang relevant government agencies.

Samantala, inutusan din ang local water utilities administration, National Water Resources Board, at Metropolitan Waterworks and Sewerage System na mag-sumite ng monthly supply-demand projection para mapaghandaan ang posibleng kakapusan sa tubig. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

Walang makuhang paglalarawan.

Walang makuhang paglalarawan.

About The Author