dzme1530.ph

Malakanyang, inilabas ang EO no. 36 para sa pagbabawas at pag-abswelto sa buwis at interes sa Independent Power Producers na nasa ilalim ng BOT Contracts

Inilabas ng Malakanyang ang Executive Order no. 36 na magbabawas o mag-aabswelto sa buwis at interes sa Independent Power Producers (IPP) na nasa ilalim ng Build-Operate-Transfer Contracts sa government owned-or-controlled corporations.

Sa ilalim ng kautusan, babawasan o kaya naman ay buburahin na ang real property taxes mula sa assessment ng mga lokal na pamahalaan, para sa power generating facilities ng IPPs.

Ito ay sa harap ng bantang enforcement actions ng ilang LGU laban sa mga IPP, kabilang ang pagbebenta sa kanilang mga pasilidad sa public auctions.

Iginiit sa EO na ang pagsasara at pagtigil sa operasyon ng mga IPP ay magbubunga ng napakalaking kawalan sa gobyerno, dahil mapipilitan ang publiko na humanap ng mas mahal na alternatibong pagkukunan ng kuryente, at magdudulot din ito ng rotating brownouts.

Sa ilalim ng local governement code, may kapangyarihan ang pangulo na tapyasan o burahin ang real property tax sa anumang probinsya o siyudad kung ito ay makakabuti sa interes ng publiko. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author