Inilabas ng Malakanyang ang Executive Order no. 42, na nagpapawalang-bisa sa mandated price ceiling sa bigas na itinakda sa ilalim ng Executive Order no. 39.
Sa ilalim ng bagong kautusan, opisyal nang ni-lift ang P41 per kilo na price ceiling sa regular-milled rice, at P45 per kilo sa well-milled rice.
Sa kabila nito, inatasan ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na pagtibayin ang mga programa at inisyatibo sa pagpapaabot ng assistance sa mga magsasaka, retailers, at consumers.
Ito ay upang mapanatili ang stable na presyo ng bigas.
Ang pagbawi sa mandated price ceiling sa bigas ay una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Oktubre a-4. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News