dzme1530.ph

Malakanyang, idineklara ang special non-working day sa Maynila sa June 24

Idineklara ng Malakanyang ang special non-working day sa Lungsod ng Maynila sa Hunyo a-24, araw ng Sabado.

Ito ay para sa pagdiriwang ng ika-452 Founding Anniversary ng lungsod.

Nakasaad sa Proclamation no. 261 may lagda ni Executive Sec. Lucas Bersamin, na nararapat lamang na bigyan ng pagkakataon ang mga taga-Maynila na makilahok sa okasyon.

Samantala, idineklara rin ang special non-working day sa Pagadian City sa Zamboanga Del Sur sa June 21 para sa kanilang 54th Charter Anniversary, special non-working day sa Tabuk City kalinga sa June 23 para sa kanilang founding anniversary, at special non-working day sa Kapalong, Davao Del Norte sa August 1 para rin sa kanilang founding anniversary. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

Walang makuhang paglalarawan.

About The Author