KUNG mabibigyan ng pagkakataon, hihilingin ni Senador Joel Villanueva kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr na icertify bilang urgent bill ang panukalang P100 minimum wage hike.
Sinabi ni Villanueva na malaki pa ang pagasa na mapagtibay ang panukala ngayong 19th Congress kung ipaprayoridad ito ng administrasyon.
Ipinaliwanag ng senador na mahigiti isang taon nang inaprubahan ng Senado ang Senate Bill 2534 para sa P100 minimum wage increase at naghihintay na lang ng approval sa Kamara
Sinabi ng senador na kailangan ng mga manggagawa ang dagdag na sweldo upang makaagapay sa bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin
Marami na anyang pag-aaral na nagsasabing hindi sapat ang umiiral na minimum wage upang mabigyan ng disenteng pamumuhay ang mga pamilyang Pilipino.
Hindi naman pabor si Villanueva na buwagin ang mga regional wage boards dahil sila ang nagdedetermina kung magkano ang nararapat na sahod sa bawat lugar.
Sadya anyang magkakaiba ang lagay pang-ekonomiya sa bawat rehiyon at lugar kaya’t hindi maaaring pare-pareho ang halaga ng sahod.