dzme1530.ph

Malacañang, dinipensahan ang 2025 budget laban sa pag-batikos ng Simbahang Katolika

Loading

Muling dinipensahan ng Malacañang ang 6.326 trillion pesos 2025 national budget, sa harap ng pag-batikos ng Simbahang Katolika.

Ito ay matapos punahin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang umano’y iskandoloso at maling paggamit sa pondo ng bayan, at kwestyonableng insertions, budget cuts, at iba pang adjustments.

Sinabi din ng Caritas Philippines na ang 2025 budget ay siksik sa bilyung-bilyong piso para sa ayuda, na nag-uudyok ng korapsyon at pamumulitika lalo’t papalapit na ang eleksyon.

Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, dapat tandaan na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nag-veto ng pinaka-malaking halaga sa pambansang budget sa kasaysayan.

Kasunod nito ay ipinalipat niya ang bilyung-bilyong pisong pondo sa mga proyekto at programa para sa lipunan, progreso, at kapakanan ng publiko.

Kaakibat din nito ang pinahigpit na mga kondisyon sa paglalabas ng budget upang tiyaking nakaayon ito sa national priorities at hindi magagamit sa partisan interests.

Siniguro ni Bersamin ang transparency sa pambansang budget alinsunod sa good governance at sa batas.

About The Author