![]()
Binatikos ni Kamanggagawa Rep. Elijah San Fernando si Palace Spokesperson Usec. Claire Castro sa naging pahayag nitong pag-aaralan pa ang iminumungkahing cash aid sa mga minimum wage earners.
Mensahe ni San Fernando sa pamahalaan, hindi nanlilimos ng ayuda ang mga manggagawa.
Aniya, ipinapakita ng pahayag na ito kung gaano ka-detached sa realidad ng buhay ng mga obrero ang pamahalaan.
Ang kailangan gawin ay itaas ang sahod, buwagin ang provincial rate, suspendihin ang excise tax at VAT sa produktong petrolyo.
Insulto umano sa mga manggagawa na para bang dapat pasalamatan ang gobyerno sa ayuda na pera din naman ng mga manggagawa at ordinaryong Pilipino.
Muli ring hinanap ni San Fernando ang missing in action na si DOLE Secretary Benny Laguesma.
