dzme1530.ph

Malakanyang at Kongreso kinalampag sa patuloy na Oil Price Hike

Kinalampag ni House Deputy Minority Leader France Castro ng ACT Teachers Partylist ang Palasyo at Kongreso, na gumawa ng paraan upang mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.

Hinamon ni Castro ang Pangulo na sertipikahang urgent ang ‘Lower Oil Prices Bill Package’ na kinabibilangan ng House Bill (HB) 400 o Lower Oil Price Bill, HB 3003 o Renationalize Petron, HB 3004, o Unbundle Oil Prices, HB 3005 for Centralized Procurement of Petroleum, at ang HB 3006 o Regulating Downstream Oil Industry.

Kumbinsido si Castro na kapag naisabatas ang mga nabangit na panukala, ay bababa ang presyo ng fuel products at lilikha ito ng domino effect sa ibang produkto at serbisyo.

Aniya, labis ang pinsalang idinudulot ng linguhang pagtaas ng presyo sa taong-bayan kaya dapat nang kumilos sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Francis Chiz Escudero.

Bukas araw ng Martes, sa ika-apat na sunod na linggo muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo.

About The Author