![]()
Walang kinalaman ang Malacañang sa panibagong impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na nagsabing nasa Kongreso na ang bola upang pag-aralan ang reklamo.
Sinabi ni Castro na halos walang pinagkaiba ang inihaing bagong mga reklamo sa nakalipas na impeachment case laban sa Bise Presidente.
Ang kaibahan anya ngayon ay kasama na ang affidavit ng detenidong si Raul Madriaga na dati umanong bagman ni VP Sara.
