dzme1530.ph

Malacañang, suportado ang posibleng pagsasampa ng kaso laban kay resigned NAPOLCOM Commissioner Leonardo

Susuportahan ng Malacañang ang posibleng pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kay resigned National Police Commission Commissioner Edilberto Leonardo.

Ito ay sa harap ng pagdadawit kay Leonardo sa pagpatay sa tatlong chInese drug convicts at isang dating opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Gayunman, sinabi ni Executive Sec. Lucas Bersamin na ipinau-ubaya nila sa Dep’t of Justice o Ombudsman ang pasiya sa pagsasampa ng kaso laban sa dating police official.

Mababatid na sa quad committee hearing sa Kamara, itinuro si Leonardo na siyang utak sa pagpatay kay former PCSO Board Sec. Wesley Barayuga noong July 2020, at pamamaslang sa tatlong Chinese drug convicts na nakapiit sa Davao Prison and Penal Farm noong August 2016. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author