Suportado ng Malacañang ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa high-profile killings sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, ang muling pagsasagawa ng imbestigasyon ay magiging patunay na pinahahalagahan ng administrasyong Marcos ang patas na pagsisilbi ng hustisya.
Kasama rin dito ang universal observance o pangkalahatang pagpapatupad ng rule of law sa bansa.
Mababatid na muling bubuksan ng Philippine National Police ang imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay sa ilang malalaking personalidad sa war on drugs, kabilang na ang pamamaslang kay former Tanauan Batangas Mayor Antonio Halili. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News